Lot or House and Lot: Which is a better investment?

Which is better lot or house and lot - bahay at lupa hulugan

Sa ilang taon ko sa pagbebenta ng mga real estate properties, marami ang nagtatanong kung ano ba daw ang mas maganda bilhin, yung “Lot only” lang ba or yung “House and Lot” na? Kung tutusin, both are considered real estate properties naman. Parehas tumataas ang prices nila over time, Pwede mo din silang ibenta anytime, pwede mong iparenta or lease to generate income for you.

Eh ang tanong, anong advantage ng house and lot sa lot only? And vice versa? Ang sagot lang talaga dyan is depende kung ano yung goal or yung reason mo kung bakit ka magiinvest sa isang property. Kung hindi pa malinaw ang goal mo, basahin mo ‘tong article na to para matulungan kita.

Kung ikaw ay may planong bumili ng vacant lot..

ADVANTAGES

  1. Mas flexible ang purpose ng vacant lot kumpara sa house and lot package since nasa sa iyo kung paano mo siya gagamitin. Pwede mong patayuan ng bahay yung vacant lot, or pwede mo din siyang iparenta or ipalease kung malapit sa commercial area yung nabili mong vacant lot. If ikaw naman ay may ari ng isang vacant lot and you decide to sell it, you can offer the same benefits to your buyer. Pero take note, depende parin yan sa tinatawag nating “zoning” and existing rules and regulations ng subdivision/project na kukunin mong vacant lot. Halimbawa, if your vacant lot resides on a residential subdivision, hindi mo pwedeng ipalease ang iyong vacant lot for commercial purposes.
  2. Kung ikaw naman ay bibili ng lot sa isang subdivision, most developers will allow you to decide on how your house will look like. Hindi mo necessarily kailangan sundin ang designs ng mga available na model houses. Although some developers will require your designs be checked and approved by them bago simulan ang construction. Example, may ibang developers na irerequire na dapat yung kulay ng house mo is hindi malalayo sa original na kulay ng model house nila. May iba naman na dapat same concept ang design na ipopropose mo, kung modern style ang concept ng subdivision, dapat modern style design din yung ipapatayo mong bahay.

DISADVANTAGES

  1. If ang purpose ng pagbili mo ng vacant lot is to build your dream house, kailangan mong kumuha ng isang design team which may compose of: an architect, a contractor, and workers. Kailangan mo din isecure lahat ng permits for the construction of the house. Hindi pa kasama ang power and water supply and yung sewage facilities. Be ready to go over your target budget by at least 40% for additional improvements like, tiles, fixtures, paintings, and other unexpected expenses na related sa pagpapatayo ng house.
  2. Halimbawa kung ikaw ay bumili ng isang residential lot sa isang developer, most probably, pang residential lang ang pwedeng maging purpose noon, so in due time, wala kang choice kung hindi patayuan siya ng bahay.
  3. Kailangan mo din iconsider kung kailan mo sisimulan ipatayo ang iyong bahay, kung halimbawa sinimulan mo siyang ipatayo ng tag-ulan, may chance na madelay ang construction ng bahay.
House and Lot For Sale Bahay at lupa Hulugan

Kung ikaw naman ay bibili ng house and lot..

ADVANTAGES

  1. Kapag pinasok mo thru housing loan ang bibilhin mong house and lot, isang package na ang gagawing terms ng bangko unlike kapag vacant lot ang pinili moa ng pinatayuan mo ng house eventually, kailangan mo pang magapply ng separate loan for the house.
  2. Although parehas nagiincrease ang value ng lot and house and lot, mas mataas ang appreciation ng house and lot dahil kasabay ng appreciation ng lot, kasama na din ang house as long as ito ay namamaintain ng maayos.
  3. Kung mabilisang paglipat ang hanap mo, mas magiging convenient sa iyo ang house and lot package dahil sa mga inooffer ng mga developers na Ready for Occupancy units or yung tinatawag na RFO. Big developments will offer you different model houses based on your needs and lifestyle. Kung pre selling naman ang bibilhin mo or yung “start from the scratch” na construction, hindi mo na kailangang mamroblema kung saan kukuha ng mga gagawa ng bahay mo, the developer will take care of everything, ang gagawin mo na lang is magantay na matapos ang dream house mo.
  4. Kung ikaw ay isang first-time homebuyer and fully furnished na house and lot naman ang kukunin mo, kadalasan, hindi mo na kailangan pang magset aside ng budge for its improvement.

DISADVANTAGE

  1. Since mas Malaki ang package price ng house and lot compared mo sa vacant lot, you will need to borrow a bigger amount from the bank kung ipapasok mo siya sa housing loan. Siyempre, kung mas Malaki ang loan, mas Malaki ang amortization.
  2. Kadalasan, hindi inaallow ng developer na ibahin mo ng todo ang outside look ng bahay mo unless na makasecure ka ng permit from them pero you are free to do what you want with regards sa interior ng house. Violating their rules may incur you a fine.
  3. Mas mahirap ibenta ang house and lot compared sa vacant lot dahil sa mas mataas ang package price nito.

I do hope nakatulong ako sa iyo sa pagdedecide sa plano mong mag – avail ng property.  If you need some advices pa in relation with this article or want mo magpahanap ng property na pasok sa iyo, kindly email us at bahayatlupahulugan.official@gmail.com.

Happy Property Hunting!

Close Menu
How may I help you?